usap tayu

Wednesday, April 13, 2011

kung para sayu talaga

Ano nga bang naisip ko at yan ang title na nilagay ko? 
Ano nga ba ang batayan para masabi mo na para sa’yo talaga ang isang tao? Eto ba yung, PERFECT kayo para sa isa’t isa. Match na match. Compatible na compatible. Wala kayong nagiging problema at lagi kayong masaya? Ganon ba yon?
Para saken, masasabi mo lang na para sayo talaga ang isang tao kung sa dinami-dami ng pinagdaanan niyo, eh anjan pa rin kayo para isa’t isa. Yung tipong nalunod na kayo sa problema pero laging sa huli, kayo pa rin. Masasabi ko rin sa para kayo sa isa’t isa kung tanggap niyo ang bawat isa. Kung tanggap mo lahat ng magaganda at mabubuting bagay tungkol sa kanya, aba, eh dapat tanggap mo rin ang lahat ng panget at masasamang bagay sa kanya.
Wala naman kasing PERFECT. Kahit anong gawin mo. Wala niyan. Kahit ALMOST PERFECT o CLOSE TO BEING PERFECT. WALA. Ano nga ba naman ang mapapala mo sa perfect, kung hindi mo naman nasubukan ang tibay ng samahan at pag-iibigan niyong dalawa? 
At tama ang sabi nila, kung para sayo talaga.. eh sa huli, para pa rin sayo yan.

cute quotes 5

Ang ibang kabaatan ngayon, mas focus sa buhay PAG-IBIG kaysa sa sariling Pamilya. Mas mahal pa ang GF o BF kaysa sa sariling Ama. Puro mapagmahal na salita ang sinasabi sa karelasyon pero matindi kung sagut-sagutin ang Ina. Galante sa LOVE pero madamot sa Kapatid. Ganyan sila KATANGA. Pabaya sa sariling Pamilya. Magaling lang sa iba. O ano? Tinamaan ka ba?

move on

Move on.
“How do I end up in the same old place, faced again with the same mistakes, so stubborn. Thinking I know what is right, but life proves me wrong everytime. Taking roads that lead me nowhere. How do I expect to get there, but when will I learn to just put you first.
I come to you now when I need you, but why do I wait to come see you. I always try to do this on my own but I was wrong, cause only with you can I move on.”
-
I just have to move on, para hindi na ako masaktan. </3
Ang tanong, kaya ko ba? Bakit ba lagi nalang ako sawi pag dating sa pag-ibig. Malas ko naman oh.

love quotes 36

Ang tunay na love
Hindi sa dalas ng pagsasama, hindi sa higpit ng mga yakap, hindi sa dami ng halik, hindi rin sa kilig, kundi RESPETO AT TIWALA SA ISA’T ISA

sa mga nasaktan

Sa mga nasaktan.
Okay lang yan mga pre. Pagsubok lang yan. Kaya niyo yan. Sabi nga nila hindi naman bibigay ni God yan kung hindi mo kaya. At kahit nasaktan ka natuto ka naman. Kung niloko ka man. Okay lang din. Normal lang naman masaktan ka. Nagmahal ka kasi eh. Kung naghiwalay kayo ng bf/gf mo okay lang yan sa una lang masakit. Kailangan mo lang ng oras para makapag move on. At kahit nag away kayo. Isipin mo nalang na okay lang yun atleast hindi ka na masaktan ng paulit ulit. At atleast hindi kayo nagkatuluyan ng manloloko nanloko sayo. Malay mo kaya kayo naghiwalay ang next bf/gf mo mas better sakanya  at ang next mo aalagaan at mamahalin ka niya ng sobra at hindi ka sasaktan. Kaya siguro naghihiwalay ang tao nagmamahalan siguro hindi pa talaga siya may better pa. At kung masaklap man ang nakaraan mo sa pag-ibig kahit na naghiwalay kayo atleast hindi kayo hinayaan sa mali tao. Nilalayo lang kayo sa mali tao na akala niyo siya na. :) 
Wag ka mawalan ng pagasa pre. Marami lalaki/babae sa mundo. Hindi lang siya. May makikilala ka pa rin na higit sakanya. At kahit sabihin mo nagiisa lang siya mali ka dun. Hindi mo pa nga na try sinasabi mo na yan. Kailangan mo lang ng oras wag mo madaliin ang sarili mo kalimutan siya. Step by step ika nga. :) 

love quotes 35

"huwag kang paramdam nang paramdam.. kasi di niya malalaman ang kaibahan ng nandyan ka at wala ka kung habol ka nang habol. at kung ayaw na niya talaga, yaan mo lang, isang araw, ayaw mo na din siya dahil nasanay ka nang wala siya."

true love waits

TRUE LOVE WAITS.
Pamilyar naman siguro halos lahat sa atin dito sa katagang yan. Lahat naman siguro ng tao ay nag-aasam ng tunay na pag-ibig. Lahat naman tayo ay ayaw ng kabiguan. Lahat tayo ninanais na makahanap na ng saktong babae o lalake na siyang magiging kapartner natin sa buhay. Lahat tayo naghahangad ng pag-ibig na wagas.
Naiinip ka na ba?
Ganito daw kasi yan.. ang lahat ng bagay sa mundo ay may tamang panahon.
Oo, maging ang pagdating ng pag-ibig sa ating buhay ay may nakatakdang panahon. (Hindi naman ito tungkol sa tadhana.) Pero naisip ko lang na siguro kaya hindi pa dumarating ang taong para sa atin ay maaring dahil hindi pa tayo handa. May mas ilang importanteng bagay pa tayo sa buhay na dapat pagtuunan ng pansin sa kasalukuyan kesa ang pakikipagrelasyon. Kung tayo man ay kagagaling lang sa nabigong pag-ibig, siguro yun ang panahon na nakalaan sa atin para tayo ay matuto. Para kapag dumating na ang tamang tao e handa na tayo. Bagama’t nasa ibang sitwasyon e siguro mas alam na natin ang bagay na dapat gawin sa pagkakataong to.
Kailangang matutong maghintay at magtiyaga.

love quotes 34

Katahimikan
Sabi nila kapag tumahimik na daw ang gf/bf o asawa mo, kabahan ka na daw. May mga bagay na hindi na dapat sabihin pa. Ikaw bilang isang taong nasa isang relasyon, matuto kang makiramdam. Hindi pwedeng gagawin mo lang kung anong gusto mo. Tandaan mong sa bawat aksyong gagawin mo, may taong tiyak na maaapektuhan nito. Maaaring saya ang maidulot nito o kaya’y maaari ring lungkot at hinanakit ang maibigay mo sakanya. Hindi porket tahimik sya at walang imik ay wala na syang nararamdaman. Ang pananahimik ay hindi nangangahulugan ng pag sang ayon. Maaring nasasaktan o nahihirapan na sya kaya pinili na lang nyang manahimik para huwag ng maging komplikado ang lahat.

love quotes 33

NAPAKAONE SIDED NG BUHAY KUNG PAG - IBIG ANG PAG UUSAPAN.
Sa relasyon, palaging lalake ang manloloko. Palaging lalake ang may kasalanan, palaging lalake ang dapat parusahan. 
Pag nagkabuntisan, lalake ang gago, babae ang lugi. Wala pang nakaisip na baka lugi rin ang lalake, kase siya ang magtatrabaho para sa mag ina niya. Na may konsensya rin naman ang mga lalake at nasa desisyon ng babae kung bubuhayin niya ang bata at maaring mawalan ng anak ang lalake. 
HINDI KASALANAN NG LAHAT ANG KASALANAN NG IILAN. 

love quotes 32

sana ang pag-ibig ay katulad ng pamasahe sa jeep na kapag buo ang binigay mo, sinusuklian pa din kahit papano..

love hurtzz 13

Hindi mo naman kasi dapat paasahin ang sarili mo sa mga bagay na imposible at malabo. Minsan, nasasaktan tayo dahil sa katigasan ng sarili nating ulo. At hindi sa katigasan ng puso ng ibang tao.

love hurtzz 12

"ISIPIN MO NA LANG NA HINDI NIYA NARERECEIVE ANG MGA MESSAGES MO,KESA NAMAN SA ISIPIN MONG SINASADYA NIYANG HINDI MAGREPLY SAYO."

love hurtzz 11

Dati kapag nagtext siya, kahit gm pa. Paload agad ako. Pero lumiwas yung mga araw na feeling ko wala naman ako mapapala sakanya . Kaya pag nagtext siya, dedma nalang ako. Natatamlayan na ko , ganun ba talaga pag nadadala na ?

love quotes 31

‎-Girl: (kumakanta ng sintunado.)
Boy: HAHAHA!
Girl: (tumigil sa pagkanta) Bakit tumatawa ka dyan? Dahil ba sa pangit ang boses ko? :’(
Boy: Hindi..
Girl: Eh bakit ka tumatawa dyan?

Boy: Kasi ngayon ko lang narealize na kahit ikaw ang pinakasintunadong tao sa buong mundo, yang boses parin na yan ang hahanap-hanapin ko.. :”>

Pages