usap tayu

Wednesday, April 13, 2011

true love waits

TRUE LOVE WAITS.
Pamilyar naman siguro halos lahat sa atin dito sa katagang yan. Lahat naman siguro ng tao ay nag-aasam ng tunay na pag-ibig. Lahat naman tayo ay ayaw ng kabiguan. Lahat tayo ninanais na makahanap na ng saktong babae o lalake na siyang magiging kapartner natin sa buhay. Lahat tayo naghahangad ng pag-ibig na wagas.
Naiinip ka na ba?
Ganito daw kasi yan.. ang lahat ng bagay sa mundo ay may tamang panahon.
Oo, maging ang pagdating ng pag-ibig sa ating buhay ay may nakatakdang panahon. (Hindi naman ito tungkol sa tadhana.) Pero naisip ko lang na siguro kaya hindi pa dumarating ang taong para sa atin ay maaring dahil hindi pa tayo handa. May mas ilang importanteng bagay pa tayo sa buhay na dapat pagtuunan ng pansin sa kasalukuyan kesa ang pakikipagrelasyon. Kung tayo man ay kagagaling lang sa nabigong pag-ibig, siguro yun ang panahon na nakalaan sa atin para tayo ay matuto. Para kapag dumating na ang tamang tao e handa na tayo. Bagama’t nasa ibang sitwasyon e siguro mas alam na natin ang bagay na dapat gawin sa pagkakataong to.
Kailangang matutong maghintay at magtiyaga.

No comments:

Post a Comment

Pages