Ano nga bang naisip ko at yan ang title na nilagay ko?
Ano nga ba ang batayan para masabi mo na para sa’yo talaga ang isang tao? Eto ba yung, PERFECT kayo para sa isa’t isa. Match na match. Compatible na compatible. Wala kayong nagiging problema at lagi kayong masaya? Ganon ba yon?
Para saken, masasabi mo lang na para sayo talaga ang isang tao kung sa dinami-dami ng pinagdaanan niyo, eh anjan pa rin kayo para isa’t isa. Yung tipong nalunod na kayo sa problema pero laging sa huli, kayo pa rin. Masasabi ko rin sa para kayo sa isa’t isa kung tanggap niyo ang bawat isa. Kung tanggap mo lahat ng magaganda at mabubuting bagay tungkol sa kanya, aba, eh dapat tanggap mo rin ang lahat ng panget at masasamang bagay sa kanya.
Wala naman kasing PERFECT. Kahit anong gawin mo. Wala niyan. Kahit ALMOST PERFECT o CLOSE TO BEING PERFECT. WALA. Ano nga ba naman ang mapapala mo sa perfect, kung hindi mo naman nasubukan ang tibay ng samahan at pag-iibigan niyong dalawa?
At tama ang sabi nila, kung para sayo talaga.. eh sa huli, para pa rin sayo yan.
No comments:
Post a Comment