usap tayu

Wednesday, April 13, 2011

love quotes 34

Katahimikan
Sabi nila kapag tumahimik na daw ang gf/bf o asawa mo, kabahan ka na daw. May mga bagay na hindi na dapat sabihin pa. Ikaw bilang isang taong nasa isang relasyon, matuto kang makiramdam. Hindi pwedeng gagawin mo lang kung anong gusto mo. Tandaan mong sa bawat aksyong gagawin mo, may taong tiyak na maaapektuhan nito. Maaaring saya ang maidulot nito o kaya’y maaari ring lungkot at hinanakit ang maibigay mo sakanya. Hindi porket tahimik sya at walang imik ay wala na syang nararamdaman. Ang pananahimik ay hindi nangangahulugan ng pag sang ayon. Maaring nasasaktan o nahihirapan na sya kaya pinili na lang nyang manahimik para huwag ng maging komplikado ang lahat.

No comments:

Post a Comment

Pages