Ano nga ba ang pag-ibig? maraming nag tatanong.. at madalas inihahambing ang pag ibig sa kahit anong bagay sa mundo.
MINSAN ANG PAG-IBIG PARANG..
Joke. Minsan pilit.
Tubig. mahalaga pero naaaksaya.
School. Pinag-aaralan, pinag-uukulan ng panahon, pinagkakagastusan at siniseryoso.
Math. Dun ako mahina.
Algebra. Parating pangulo ang “x” at laging may tanong na “y”.
Science. Maraming dapat patunayan.
P.E. Minsan nakakapagod. Minsan boring. Minsan papawisan ka. Madalas, naglalaro ka lang talaga.
Bible. Maraming Lesson.
Plastic cover. Transparent.
Ipis na tinapakan. Akala mo patay na, yun pala buhay pa.
Tsinelas. Makakapaglakad ka ba ng ayos kapag wala ang isa?
Damit. Hindi lang basta bagay sayo, dapat konportable ka din.
Washing machine. Paikot-ikot lang.
Global warming. Hindi mo mamamalayang nararamdaman mo na pala.
Sikat ng araw sa umaga. Minsan magigising ka nalang, nagmamahal ka na.
Ulan sa gabi. Napapayakap ka sa unan.
Farmville. Pag may tinanim, may aanihin.
Halaman. Kapag hindi inalagaan, namamatay.
Coconut. Bigla nalang mahuhulog XD
Basketball. May shoot, may rebound, may foul.
Basketball ulet. Dapat give and take.
Yoyo. Madaming ups and downs
Stuff toy. Kapag bago parating kasama, pero pag luma na, echapwera na.
Paborito mong laruan. Kahit sira na, ayaw mo pa din bitiwan.
Antique. habang tumatagal, nagmamahal.
Greeting. Better late than never.
Boxing. Hindi maiiwasan na may masasaktan.
Ang pag-ibig ay iniingatan. Walang parang pa.
Unli. Nag-exxpire.
Unli. Nag-exxpire.
Telepono. Long-distance.
Teleserye. Abangan ang susunod na kabanata.
Love song. Makakarelate ka.
Injection. Minsan masakit talaga, pero minsan parang kagat lang ng langgam.
Pag-iigib. Nakakapagod.
Antok. Hirap labanan.
Sakit. Kumakalat, nakakahawa, lumalala. Gamot lang dito ay paglimot.
Sipon. Makapigil-hininga.
Bulutong. Nag-iiwan ng marka.
Mata ko. Malabo.
Mata ko. Malabo.
Bangs. One-sided.
Pagmumukha ng isang tao. Lahat may itsura, yung iba lang hindi maganda. LOL!
Kulot. Mahirap ituwid.
Ngongo. Di maintindihan.
Crayon. Makulay.
Ampalaya. Bitter.
Greenwich. Cheesy.
Minatamis. Pag tumagal pwedeng mapanis.
Traffic. Nakakainip na, nakakabadtrip pa.
Trahedya. Nakakapagbago ng pananaw sa buhay.
Password ko. Secret!
Ang pag-ibig ay parang hulugan.
“Bakit mangungupahan pa, kung kaya namang magkabahay na?” - Vice President Noli de Castro para sa PAGIBIG Funds.
“Bakit mangungupahan pa, kung kaya namang magkabahay na?” - Vice President Noli de Castro para sa PAGIBIG Funds.
Marami mang ibat ibang bagay na inihahambing sa pag ibig. Wala pa rin itong kongkretong depinisyon. Para lang itong ligaw na bala, malalaman mong tinamaan ka na..
kapag nasaktan ka.
IKAW, ANO ANG PAG-IBIG MO?
No comments:
Post a Comment